Ang lupet ni Bagyong Ondoy. Maraming nasalanta. Maraming buhay ang nawala. Maraming ari-arian ang nawasak. Nakakapanlumo ang na-disgrasya ni Ondoy. Hindi kapani-paniwala ang mga nalubog na bahay, mga taong nasa bubungan, mga kotseng nagpatong-patong at mga buhay na nawala. Parang isang panaginip. Parang pelikula. Pero totoo.
Nung sabadong yun, naalala ko, umalis sila mama dala si Eoghan, si Hazel pumasok pa, Ako nandito sa bahay, online at nakikibalita sa bagyo. Maya-maya lang, naririnig ko na sa TV na windang na ang kalakhang Maynila. Lubog na ang m
ga bahay, parang dagat na ang mga kalsada. Si Cristine Reyes nananawagan na dahil nasa ibabaw na sila ng bubong sampu ng kanilang pamilya. Kakaiba ito. Windang.
Sila Mama, stranded na sa A. Boni, malalim na ang tubig sa dadaanan nila, ayaw namin i-risk si Eoghan so, nagpull-over sila sa Shell Balintawak. Hindi na raw gumagalaw ang mga sasakyan sa NLEX. Si Hazel naman, lubog na raw ang UST at hindi sila makalabas ng university. Nagtext siya, hindi na raw sila pinauuwi ng administration. Stranded na sila. Si Leo naman stranded din sa NLEX, walang pagkain, di gumagalaw ang sasakyan.
Sa lahat ng nangyaring ito, malaki parin ang pasasalamat ko sa aking Best Friend (Jesus), dahil lubog na ang ilang lugar, sa amin parang wala lang. Natural lang umuulan ng malakas, may baha rin pero direcho sa kanal kaya hind
i naiipon ang tubig. Walang ni isang patak ng ulan ang pumasok sa bahay namin.
Nagpapasalamat din ako sa Kanya, dahil walang nangyaring masama kela Mama, kay Eoghan, kay Hazel kahit kinabukasan na umuwi at si Leo na nakauwi rin pagkatapos ng 8 oras na pagkaka-stuck nila sa NLEX.
Pero sa sakunang ito, dito nasukat ang tatag at paniniwala ng mga Pilipino. Dito nakita ang pagkakaisa ng bawat isa. Tumulong, dumamay at nagdasal ang bawat isa.
Noong lunes, nung ina-nnounce na walang pasok hanggang ma
rtes, tinawagan ko ang aking mga kaibigan na magvolunteer at tumulong.
Una kaming pumunta sa Cubao, sa Noy-Mar Headquarters, maraming mga estudyante ang nandun, matanda at mga kabataan. Dagsa ang tulong, trak trak ang mga goods, umaapawang tulong mula sa iba't ibang tao.

Nakakapanlumo lang din dahil sa bundok na plastic na nandun. Nakakalungkot dahil hindi na-planong mabuti ang
pagbibigay ng relief goods. Halos lahat ng relief centers, plastic ang ginamit para sa pagre-repack ng mga goods. HIndi ba nila naiisip na parang water cycle lang yan. Ang mga plastic na ginamit sa relief operations ay mawawalang halaga, dahil itatapon lang ito ng mga biktima kung saan, dahilan para muling magbara at gumawa ng basura, at dahilan para kapag umulan ng malakas (o kahit simpleng ulan), magkakaroon na naman ng matinding pagbaha, para isa na namang relief operation. And the cycle goes on. Ang sarap magbigay ng lecture sa mga taong hindi naiisip yun, pero wala kaming magawa dahil yun ang pinakamadaling paraan para maipamahagi ang mga goods.


Pagkatapos sa Noy-Mar HQ, hindi na kami nagbalak umuwi, dumirecho kami sa Citizens' Disaster Response Center sa Times St. para naman magsort ng mga old clothes. Medyo mahirap ang trabaho dahil sa alikabok pero worth it naman dahil nga iisipin mo nalang na marami ang nangangailangan ng damit dahil panigurado, walang naisagip na kahit anong gamit (o damit) ang mga biktima.

Gayunpaman, nakakatuwa parin dahil marami ang gustong tumulong, dagsa ang mga volunteers, wala ng mapaglagyan ng trabaho. Kinabukasan, nagpunta naman kami sa Ecowaste Coalition para tumulong at magsort ng mga old clothes. Dahil aware ang mga nandito tungkol sa paggamit ng plastic, walang repacking na ginawa. Direchong ipamimigay ang mga goods sa mga community. Walang plastik. Bow. *applause*
Natapos ang araw sa tripping sa UP at nagpahinga ng bonggang-bonga.
Ang mga pictures ay kakalapin ko muna mula sa iba't ibang camera at ipopost soon.
Galing ng Pilipino!